Payo - Asin

Payo - Asin

  • Ano de lançamento: 2012
  • Linguagem: Tagalo
  • Duração: 5:23

Abaixo está a letra da música Payo , artista - Asin com tradução

Letra da música " Payo "

Texto original com tradução

Payo

Asin

Minsan ay nasabi ng aking lola

Ang buhay kong tingnan mahiwaga

Pati na rin oras di makuha

At ang umpisa ay tapos na

Lipad ng lipad ang ibong kay ganda

Bulaklak na makulay sa mata

Dinggin ang himig ng hangin malamyus

Tingnan ang lupa sagana sa ating pagud

Saan ka lulugar kasama ko sabihin mo

Oras ay tumatakbo umiikot ang mundo

Ang buhay di maghihintay sa’yo

Bigyan ng daan ang diwa ninuman

Pagkat ito’y mula sa hinog na isipan

Sa kinang ng iyong buhay sa lansangan

Sila ay kailangan ring pakinggan

Saan ka lulugar kasama ko sabihin mo

Oras ay tumatakbo umiikot ang mundo

Ang buhay di maghihintay sa’yo

Ipagdiwang ang buhay na daratal

Ito’y likha isang kababalaghan

At ito’y hindi sa’yo lamang

Ngunit para sa taong nasa kapaligiran

Saan ka lulugar kasama ko sabihin mo

Oras ay tumatakbo umiikot ang mundo

Ang buhay di maghihintay sa’yo

Saan ka lulugar kasama ko sabihin mo

Oras ay tumatakbo umiikot ang mundo

Ang buhay di maghihintay sa’yo

Mais de 2 milhões de letras

Músicas em diferentes idiomas

Traduções

Traduções de alta qualidade para todos os idiomas

Busca rápida

Encontre os textos que você precisa em segundos