29 - Razorback

29 - Razorback

  • Ano de lançamento: 2012
  • Linguagem: Tagalo
  • Duração: 6:21

Abaixo está a letra da música 29 , artista - Razorback com tradução

Letra da música " 29 "

Texto original com tradução

29

Razorback

Sumandal ka sa pader na pinagkakatiwalaan mo.

Gawa ito sa bato.

Matibay ngunit malakas ang kapit na nakikita ko ngayon.

Matuto kang bumitaw at tumayo.

Bente nuwebe ka na.

‘Wag mag-alala.

Aabot ka sa trenta.

Jack, Reyna, Hari o Alas, paminsa’y kapit mo’y butas.

Kamay mo’y nagdurugo sa lahat ng nagawa mo.

Bumangon ka’t gawin ginto ang bato…

Nakaupo sa gilid ng mundo…

Patay-sindi ang apoy.

Hinihipan ng hangin.

sa palapag ng bente nuwebe manhid ang damdamin.

Minsa’y nasa taas.

Madalas nasa baba.

Nakapako sa roleta, paikutin na…

Huwag ilagay ang buhay sa kamay ng tadhana.

Sandalan mo’y sumasandal, ikaw nang bumitaw.

Patay-sindi ang apoy.

Hinihipan ng hangin.

sa palapag ng bente nuwebe manhid ang damdamin.

Ngayo’y nakatayo sa palapag ng bente nuwebe

Isang hakbang na lang… trenta na, aabot ka.

Mahirap lang nga ang mag-isa

Lahat naman tayo’y maglalaho ng mag-isa.

Patay-sindi ang apoy.

Hinihipan ng hangin.

sa palapag ng bente nuwebe manhid ang damdamin.

Mais de 2 milhões de letras

Músicas em diferentes idiomas

Traduções

Traduções de alta qualidade para todos os idiomas

Busca rápida

Encontre os textos que você precisa em segundos