Isla Puting Bato - Siakol

Isla Puting Bato - Siakol

  • Ano de lançamento: 2015
  • Linguagem: Tagalo
  • Duração: 7:15

Abaixo está a letra da música Isla Puting Bato , artista - Siakol com tradução

Letra da música " Isla Puting Bato "

Texto original com tradução

Isla Puting Bato

Siakol

Isang gabi nanaginip ako

Lumubog ang sinasakyan kong barko

Inanod ako sa lakas ng hangin

Hanggang sa napadpad ako sa buhangin

Akoy natuwa dahil akoy buhay

Nang may nakita akong

Babaing walang malay

Siyay nilapitan upang aking tulungan

Nang siyay natauhan ay aking namasdan

O kay amo ng kanyang mukha

Sa ganda para siyang diwata

Kahit gan’to ang aking sinapit

Ngunit siya naman ay hulog ng langit

Sa isla puting bato

Naging sarili namin ang mundo

Walang naging hadlang doon

Kahit kami ay magpa gulong gulong

Lugar na tahimik ngayoy sumaya

Sa pag-iibigan naming dalawa

Nalunod ako sa kanyang mga halik

At sa yakap niya na anong higpit

Nawalay man sa mga mahal sa buhay

Di ko na naisipan pa ang malumbay

Magagandang tanawin at sariwang prutas

At ang kalayaan na dinaranas

Ngunit ang tunay na kailangan

Sa aking lubos na kaligayahan

Ay ang tulad niya na aking pangarap

At sa piling niya na walang kasing sarapppp

(Repeat chorus)

Nilimut namin ang aming problema

Paraiso na para sa’min ang isla

Takbo ng oras ay walang sinasayang

Naghahabulan at nagkakantahan

Hanggang sa sumapit ang bilog na buwan

Kami ay nagmistulang eba at adan

At nang titikman ko na ang kanyang mansanas

Ako’y nabigla at napa-baligwas

Ako pala ay nagising

Sa panaginip ay nabitin

Panaginip na anong ganda

Sa pagtulog ko sana’y muli siyang makita

Outras músicas do artista:

Novos textos e traduções no site:

Mais de 2 milhões de letras

Músicas em diferentes idiomas

Traduções

Traduções de alta qualidade para todos os idiomas

Busca rápida

Encontre os textos que você precisa em segundos